LEGAZPI CITY-Bibisita si President Ferdinand Marcos Jr. sa Naga City ngayong araw kasama si Naga City Mayor Leni Robredo para sa isasagawang inspeksyon kung saan isasagawa ang ‘Oplan Kontra Baha’
Ayon sa mga ulat, unang pupuntahan ni President Marcos ang Jesse M. Robredo Coliseum ng 9:30 umaga sa CBD 2.
Sunod na isasagwa ang launching ng Oplan Kontra Baha sa bahagi ng Sagop creek sa Brgy. Triangulo, Naga City.
Huling iinspeksyunin ang Brgy Concepcion Pequeña at Sitio Magaya-gaya Creek.
Kasama rin sa sasalubong kay President Marcos si 3rd District Congressman Nelson Legacion at ilang mga alkalde ng distrito.











