Nakatakdang magtungo sa Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa apat na araw na state visit, kasunod ng paanyaya ng Japan.
Magsisimula ito sa Mayo 26 hanggang 29, 2026.
Makakasama ng pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Inaasahan na makikipag pulong si Pangulong Marcos kay Prime Minister Ministro Sanae Takaichi upang talakayin ang pagpapalakas ng ugnayang Pilipinas at Japan, kabilang ang mga isyu sa enerhiya, seguridad sa pagkain, at maritime security.
Maliban dito ay makikipag-ugnayan rin ang pangulo sa mga Japanese business group at Filipino community sa naturang bansa.











