LEGAZPI CITY- Panibagong pasanin na naman ang mararamdaman ng mga motorista.

Ito ay dahil sa naka-amba na big-time oil price hike sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa kalkulasyon ay ng ilang energy sources, ang gasolina ay posibleng magkaroon ng umento na 85 sentimos hanggang P1.15 kada litro.

Ang diesel naman ay may dagdag na P1.55 hanggang P1.85 kada litro habang P1.00 hanggang P1.10 ang umento sa kada litro ng kerosene.

Matatandaan na nitong Martes lamang ay ipinarupad rin ang kaparehong big-time oil price hike.