Legazpi City- Patuloy pa ang isasagawang paghahanap sa isang babae na inanod sa kasagsagan ng pananalasa ni Bagyong kristine sa Legazpi

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi Kay Acting Mayor Bobby Cristobal ng Legazpi City sa lampas dalawang araw na pagkakanap sa biktima na kinilalang si “Alma” ay bigo parin na mahanap ang katawan nito

Nagsagawa na rin ng search and retrieval operation ang mga awtoridad sa Legazpi lalo na sa parte ng Bonga Gully at Yawa River para sa pagbabakasakali na makita an katawan ng Biktima.

Samantala nakausap na rin ng alkalde ang pamilya nito patungkol sa sitwasyon ng paghahanap sa kanilang kaanak.

Tanggap na umano ng pamilya ang malungkot na sinapit ng biktima ay hangad na lang na mahanap ang katawan para mabigyan ng maayos na libing.

Magpapatuloy naman ngayong araw an Search an Retrieval operation at patuloy na umaasang mahahanap ang biktima