LEGAZPI CITY- Naipakita ng Camalig ang ganda ng bayan kasunod ng Indonesian Ambassador to the Philippines Agus Widjojo.

Ayon kay Camalig Mayor Caloy Baldo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na namasyal ang naturang opisyal sa mga sikat na tourist destinations sa bayan.

Paliwanag ng alkalde na malaking tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya at turismo ng bayan ang pagbisita ng mga foreign dinitaries.

Sa ganitong paraan aniya ay naipapakilala ang mga lokal na produkto na ipinagmamalaki ng Camalig at ng lalawigan ng Albay.

Dagdag pa ni Mayor Baldo na masaya rin ang opisyal na maipakita ng personal ang ganda ng Bulkang Mayon.