Kabilang ang mga nasa middle class sa mga maaaring mag-apply at makatanggap ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Ito ang naging paglilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos ang ilang mga pagpuna na wala umanong natatanggap na asistensya ang mga nasa middle class.
Ayon sa ahensya, ang AICS ay nakalaan para sa mga indibidwal o pamilyang nakararanas ng biglaang krisis na hindi nila kayang tugunan agad ang gastusin.
Ipinaliwanag ng DSWD na may tatlong pangunahing hakbang sa pag-apply sa AICS: queuing, assessment, at interview bago maiproseso at maibigay ang tulong pinansyal.
Dagdag pa ng tanggapan na kabilang sa mga layunin ng AICS ay ang tumulong sa sinumang apektado ng biglaang krisis o walang kakayanan na tugunan ang pinansyal na pangangailangan.











