LEGAZPI CITY – Hindi pinayagan na makapasok ang mga Pilipino sa International Court Room sa The Netherlands para personal na makita an ginawang pre-trial kay dating Presidente Rodrigo Duterte.
Matatandaan na kagabi oras sa Pilipinas isinagawa ang pre-trial sa dating lider ng bansa para sa kasong crimes against humanity sa madugong drug war ng kaniyang administrasyon.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Luigi Roa na hindi sila pinayagan na makapasok dahil mga invited lang umano ang pwedeng makapasok sa international court kun kaya’t hinantay na lang nila sa labas na matapos ang unang hearing.
Personal din na dumalo sa hearing ang anak ng dating presidente na si Vice President Sara Duterte, maging si Senador Robin Padilla at si Atty. Harry Roque.
Marami din ang sumuporta sa labas ng International Criminal Court na mga taga sNetherlands at mga karatig bansa sa Europe para magpahayag ng suporta sa Dating Presidente.
Sinabi pa neto na mas marami sa kasalukuyan na mga pro-duterte supporters ang nagtipon-tipon sa harap ng International court kompara ng mga nagdaang araw.
Mas iba umano ang batas sa Netherlands dahil hindi pwedeng makauwi ang Dating Presidente sa Pilipinas habang nalilitis ito kun kaya’t posibleng ilang taon pa itong mamalagi sa The Hague.
Mga high profile inmates sa buong mundo rin na nililitis ang mga kasamahan ni Duterte sa loob ng pasilidad kung saan siya namamalagi sa ngayon.
Ikinagulat ni Roa an pagiging mabilis ng proseso ng hearing sa kasong kinakaharap ng dating lider ng bansa dahil kadalasang inaabot umano ng halos dekada ang nagiging proseso sa dating mga presidente sa buong mundo na nakatanggap din ng red notice.