LEGAZPI CITY – Dumadating na sa lungsod ng Legazpi ang mga delegasyon na lalahok sa 2024 Private Schools Athletic Association National Games (PRISAA).
Una ng dumating sa lungsod ang delegado mula sa University of Negros Occidental – Recoletos na magrerepresenta sa unibersidad kasabay ang Negros Island sa iba-ibang sports event.
Inaasahan na 10,000 na magagaling na mga atleta ang magtatapatan sa 27 sports, cucultural at academic events sa syudad.
Matatandaan na una ng sinabi ng lokal na pamahalaan sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakahanda na ito sa hosting ng malaking aktibidad.
Nakatakdang mag-umpisa ang National PRISAA Games 2024 sa Sabado, July 20.