LEGAZPI CITY – Isinusulong ngayon ng Legal Network For Truthful Elections (LENTE) ang pagkakaroon ng malawakang voter educaton campaign.

Kaugnay ito ng papalapit na voter registration sa darating na Pebrero 12 ng kasalukuyang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay LENTE Communication Director Atty. Kevin Bulotano, mahalaga na magkaroon ng voter education campaign lalo pang sa susunod na taon ay tatlong eleksyon ang isasagawa.

Subalit bago ito ay dapat matiyak muna na magiging accessible ang registration process upang lahat ng mga kwalipikadong botante ay makapagparehistro.

Nilalayon ng hakbang na maturuan ang mga botante sa pagpili ng mga magiging lider dahil nakasalalay sa boto ang pagbabagong mangyayari sa bansa.

Kaugnay nito, dapat na ipagpatuloy ang pagbabantay sa vote buying at vote selling maging sa premmature campaign.