Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental kaninag ala-1:21 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology na may lalim itong 153 km at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahan na anumang pinsala na dulot ng naturang lindol.

Sa kabila nito, nagbabala ang Phivolcs na posibleng makaramdam ng mga aftershocks.