LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng Magnitude 4.3 na lindol ang island province ng Catanduanes dakong alas-6:49 ngayong umaga.
Natukoy ang sentro nito sa layong 22 kilometro, timog-silangan ng bayan ng Baras.
Batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic in origin ang pagyanig.
Nabatid na may lalim itong 84km.
Wala namang inaasahang pinsala at kasunod na aftershocks matapos ang naturang pagyanig.