LEGAZPI CITY- Tinaga ng isang lalaki ang sarili nitong pamangkin sa Barangay Salvacion, Bagamanoc, Catanduanes.

Ayon kay Patrolman Mark Okray, Investigator ng Bagamanoc Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Nag-ugat umano ang away ng dalawa dahil hindi nagpaalam ang biktima at kinuha ang nilulutong pulutan ng suspek.

Nagkainitan ang suspek at pamangkin nito dahil na rin sa impluwensya ng alak at nauwi sa suntukan.

Umalis naman ang suspek at pagbalik nito ay may dala ng itak na agad namang tinaga ang biktima.

Ayon sa opisyal na mapalad naman na hindi napuruhan ang biktima at nagtamo lamang ng minor na mga sugat.

Agad naman itong naitakno sa Rural Health Unit ng naturang bayan upang malapatan ng medikal na asistensya.

Samantala, pursigido naman ang biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek.