Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dumating na sa Pilipinas ang labi ng Overseas Filipino Worker na nasawi sa missile attack sa Tel Aviv, Israel.
Matatandaan na nasawi ang 32-anyos na si Mary Ann de Vera noong Pebrero 28 matapos tamaan ng missile strike sa Tel Aviv.
Kasama ng labi ni De Vera na dumating sa bansa ang asawa nito na si Bernie Lavarias.
Ayon naman kay Israeli Ambassador to the Philippines Dana Kursh, nangako ang pamahalaan ng Israel na magbibigay ng lifetime support sa pamilya ni De Vera.
Kabilang sa matatanggap ng pamilya ni De Vera ang tulong pinansyal at livelihood support na mula mismo sa pamahalaan ng Israel.
Sa ilalim kasi ng batas ng Israel, ang mga pamilya ng mga indibidwal na nasugatan o nasawi sa panahon ng digmaan ay may karapatan sa panghabambuhay na benepisyo.
Sakop ng naturang batas ang mga Israeli o maging mga dayuhan sa naturang bansa.











