Ipinag-utos ng Regional Trial Court sa National Capital Region ang pag-aresto kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa umano’y pagkakasangkot ng alkalde sa pagpatay kay dating Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at police aide nito na si Master Sergeant Orlando Diaz.

Walang piyansa na inirerekomenda sa naturang dalawang counts ng murder.

Samantala, nabatid na wala ang alkalde sa tahanan nito sa Barangay Tagas sa bayan ng Daraga ng magtungo ang arresting team.