Nagpatupad ng suspeksyon ng klase sa Batangas City Integrated High School nitong umaga matapos makatanggap ng umano’y banta ng pamamaril.
Ayon sa impormayon mula sa Batangas City Police, nakatanggap umano ang paaralan ng ‘shooting threat’ o banta ng pamamaril sa pamamagitan ng facebook page.
Batay sa naturang banta na target umano nito ang mga mag-aaral mula sa Grade 7 hanggang Grade 10.
Batay sa pagsisiyasat ay dummy account lamang ang ginamit ng nagpakilalang Grade 10 student at sinasabing biktima umano siya ng bullying.
Kaugnay nito ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad, kasabay ng pagsiguro ng kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.











