Todo papuri si Kamala Harris kay US President Joe Biden, sa kaniyang unang public appearance simula ng umatras ang pangulo sa kaniyang re-election bid.

Sinabi ni Harris na hindi matatawaran ang mga naabot at accomplishments ni Biden sa ‘modern history.’

Aniya, nalagpasan pa ng legasiya ni Biden ang ilang mga naging pangulo ng Estados Unidos na nagsilbi sa loob ng dalawang termino.

Nagpasalamat rin ito sa serbisyo ni Biden para sa mga mamamayan ng America.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang lumalakas ang mga suporta kay Harris mula sa Democrats, upang maisapinal na ang tuluyang paghalili kay Biden sa US Presidential elections.

Ilang buwan na lamang kasi ang natitira bago ang November elections.