LEGAZPI CITY – Tinupok ng apoy ang nasa anim na kabahayan sa Barangay Bantigue, Masbate City isang linggo bago ang araw ng Kapaskuhan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay SFO1 Alvin Dela Peña, Public Information Officer kan Masbate City Fire Station, nasa anim na bahay ang totally damaged habang isa lang partially damaged.

Napag-alaman na gawa sa light materials at dikit-dikit pa ang naturang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Ayon kay Dela Peña, nasa 18 km ang layo ng pinangyarihan ng sunog mula sa fire station kaya inabot ng 30 minutos bago na makapagresponde.

Nasa kabuuang apat na fire truck ang rumesponde sa insidente katulong na ang Chinese Volunteers Fire Brigade.

Tinatayang nasa P110,500 ang naitalang pinsala sa sunog.

Sa ngayon ay patuloy pa na iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog subalit may tinitingnang anggulo na posibleng dahil sa electral wirings.