class-suspension

LEGAZPI CITY- Suspendido ang face-to-face classes sa ilang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Albay bukas, Pebero 25, 2026 kaugnay ng paggunita ng ika-40 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Albay Schools Division Spokesperson Froilan Tena sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kabilang sa mga nagsuspinde ng pasok ang mga lokal napamahalaan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Pio Duran, Libon, Rapu-Rapu at Polangui.

Maging ang mga Catholic schools rin na kasapi ng Catholic Educational Association of Legazpi ay nagsuspinde na rin ng pasok.

Sinabi ng opisyal na iginagalang nila ang hurisdiksyon ng mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng suspensyon ng pasok kaugnay ng naturang aktibidad.

Posible naman umano na madagdagan pa sa mga susunod na oras ang mga magpapatupad ng kaparehong suspensyon.

Samantala, nanawagan naman si Tena sa mga mag-aaral na alalahanin ang kahalagahan ng paggunita sa EDSA People Power Revolution at isabuhay ang mga aral na dala ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng bansa.

Refresh for updates…