LEGAZPI CITY- Walang pag-aatubili na nakiisa ang ilang malalaking gusali at tanggapan sa lungsod ng Legazpi na sa ginanap na earth hour kagabi.
Ilan sa mga nakibahagi sa isang oras na aktibidad ay ang ilang malalaking mall at hotel sa lungsod.
Ito ay sa kabila ng halos 48 oras na ipinatupad na power interruption sa ilang bahagi ng lungsod ng Legazpi nitong Marso 20 at Marso 21.
Ayon sa pahayag ng pamunuan ng ilang mga mall na nais nilang maging bahagi ng pangangalaga sa kalikasan kahit pa sa simpleng pamamaraan lamang.
Matatandaan na taun-taon na isinasagawa ang earth hour kung saan isang oras na pansamantalang pinapatay ang mga ilaw sa mga tahanan at gusali bilang simbolo ng pakikiisa sa paglaban sa climate change.