dengue cases
dengue cases

LEGAZPI CITY-Nagbigay ng direktiba si Albay Governador Noel Rosal tungkol sa pagsugpo ng tumataas na mga kaso ng dengue sa lalawigan ng Albay.

Sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, sinabi niya na naglabas na sila ng Executive Order hinggil dito upang magkaroon ng agarang aksyon at koordinasyon sa pagitan ng mga barangay at mga lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, nagpatawag na sila ng pagpupulong kasama ang mga lokal na pamahalaan, at ang kanilang rural health upang ipatupad ang nasabing direktiba.

Aniya, kailangan ngayon ang supply ng mga gamot upang suportahan ang hakbang na ito, lalo na’t mayroon nang mga kaso at may pangamba na magiging siksikan na naman sa mga pampubliko at pribadong ospital sa lalawigan.

Patuloy din ang kanilang koordinasyon at monitoring sa mga may sakit upang maiwasan ang karagdagang casualty.

Sa ngayon, nasa 11 katao na ang namatay dahil sa dengue sa lalawigan at libu-libo pa ang mayroong kumpirmadong kaso ng dengue.