LEGAZPI CITY-Nagsagawan ng kilos protesta ang Filipino Community sa Vancouver, Canada kasabay ng pagbisita ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung saan tinawag ang Presidente na ‘King of Corruption’.
Ayon kay Bombo International Correspondent in Canada Luigi Pulido, sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi na maraming mga migrante at Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Vancouver na sawang sawa na sa kurapsyon sa Pilipinas.
Dahil umano ito sa kanilang mga remittances at buwis sa bansa na napupunta sa bulsa ng gobyerno, lalo na ni President Marcos na nakikinabang dito.
Ang nasabing protesta, bunsod umano ng galit at pagka-sawa ng mga kababayang Pilipino sa patuloy na kurapsyon sa Pilipinas, maging sa rehimen ni Marcos.
Gayundin ang plano nitong pag-pirma sa free trade agreement upang ipagbili ang mga resources ng Pilipinas sa Canadian mining companies.
Punto pa ni Pulido na ito ang dahilan kung bakit halos 1 Milyong mga Pilipino ang pumupunta sa Canada dahil sa kawalan ng opurtunidad sa Pilipinas, dala ng patuloy na pagbili ng yaman ng bansa.
Nasa 40 miyembro ng kanilang organisasyon ang sumabay sa kilos protesta at 40-50 katao naman ang pumunta sa mismong rally, kung saan ipinakita nila ang kanilang galit sa pagbisita ni Presidente Marcos sa Canada.
Maliban pa sa kurapsyon, binigyang diin rin ng grupo na dapat maging accountable ang Presidente dahil sa maraming migranteng Pilino ang nahaharap sa exploitation mula sa kanilang mga employer.
Tinawag din nilang ‘walang hiya’ ang Presidente sa kanyang paglakad sa red carpet habang hindi umano kinilala ang maraming mga Pilipinong nananawagan ng accountability.
Panawagan ng grupo ang acountability, transparency, at maibalik ang pondo na kinurakot umano mula sa administrasyong Marcos.











