Naungusan na ng Estados Unidos ang China sa nagpapatuloy na Paris Olympics.
Ang America kasi ay mayroon ng 19 gold medals, 26 silver medals at 26 bronze medals na may kabuuang 71 medalya.
Ang China namay ay may kabuuang 45 medalya, kung saan 19 sa mga ito ay ginto, 15 ang silver ay 11 ang bronze.
Ang host country naman na France ay nasa ikatlong pwesto na may 12 gintong medalya, 14 na silver at 18 bronze medals.
Samantala, ang Pilipinas naman ay mayroon ng dalawang gintong medalya dahil sa tagumpay ni Pinoy gymnast Carlos Yulo.