LEGAZPI CITY – Naipaabot na ng Department of Social Welfare and Development Bicol ang first batch ng family food packs bilang relief augmentation sa mga lugar na labis na naapektuhan ng matinding pagbaha sa Eastern Visayas.

Ayon kay Social Welfare Bicol disaster response and management division officer in charge Claudio Villareal Jr., nasa 10,000 na family food packs ang ipinadala sa naturang lugar sa tulong ng ilang local government authorities.

Dinala ang naturang ayuda sa mga bayan ng Catarman, Mondragon at Pambujan sa Northern Samar.

Samantala, nakapamahagi na rin ang tanggapan ng nasa mahagit 19,000 family food packs na nagkakahalaga ng P12 million sa mga pamilyang apektado ng sama ng panahon sa Bicol.