LEGAZPI CITY—Kinondena ng isang grupo ng mga mangingisda ang umano’y pagprotekta ng Senado kay Senador Ronald Bato dela Rosa mula sa mga awtoridad kaugnay ng kasong kinakaharap nito sa International Criminal Court (ICC).


Ayon kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas Spokesperson Salvador France, sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, na kung ang kaso ay may parusang hindi bababa sa anim na taon sa bilangguan, hindi ito dapat ilagay sa kustodiya ng Senado dahil dumadaan din ito sa isang legal na proseso.


Sinabi rin ng opisyal na hindi siya makapaniwala na ginamit ang ahensya ng gobyerno sa tensyon o putukan sa loob ng Senado at malinaw na may kumikita rin mula rito.


Aniya ipinapakita ng insidente kung paano pinaglalaruan ng mga senador ang mga tao at lalo na ang mga biktima ng giyera kontra droga.


Dagdag pa niya na ang mga aksyon ng ilang senador ay hindi dapat patawarin ng mga Pilipino.


Naniniwala rin ang grupo na ang nangyaring pamamaril sa Senado ay planado.


Samantala, nanawagan din si France sa mga mamamayang Pilipino na magkaisa upang panagutin ang mga opisyal ng gobyerno na may kinakaharap na mga kaso.