LEGAZPI CITY- Pino-proseso na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa naarestong drug suspect sa lungsod ng Legazpi.
Una nito, nagkasa ng buy-bust operation ang Legazpi City Police Station kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency Albay at PDEA Legazpi City Office 36-anyos na drug watchlisted personality na residente ng Purok 1, Barangay Dapdap, Legazpi City.
Nabatid na matalag ng minamanmanan ang naturang suspek bago ang ikinasang operasyon.
Kaugnay nito ay nakumpiska sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at boodle money.
Kabilang sa mga isasampang kaso sa naturang drug personality ay ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.