Nationwide Brigada Eskwela
Nationwide Brigada Eskwela

LEGAZPI CITY- Siniguro ng Department of Education ang patuloy na pagbibigay ng solusyon sa kakulangan ng mga guro, silid aralan at serbisyo.

Ito ay kaugnay ng nationwide kickoff ng Brigada Eskwela na isinagawa sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Department of Education Assistant Secretary Dexter Galban na patuloy na bumubuo ang tanggapan ng isang sistema na may malasakit para sa bawat mag-aaral at mga guro.

Maliban sa opisyal ay nasa lalawigan rin si Department of Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa.

Ito ay kaugnay ng pagtutulungan ng dalawang tanggapan para sa learner health assessment.

Ayon kay Assistant Secretary Galban na nais ng Department of Education na sa pagbubukas ng bagong school year ay matutukan ang mental health services, disaster risk reduction, child protection laban sa bullying, pang-aabuso at school based feeding program.

Ito ay maliban pa sa pagtutok ng departamento sa pagbasa ng mga kabataan na inaasahang makakatulong sa pagpapahusay ng mga programa nito.