LEGAZPI CITY-Inaresto ng National Bureau of Investigastion (NBI) ang dating broadcaster at commentator na si Jay Sonza sa Quezon City ngayong araw ng Huwebes, Abril 30, 2026.
Ito ay sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Cyberlibel o pagpapakalat ng mali o ipinagbabawal na impormasyon sa publiko gamit ang Internet o media.
May kaugnayan umano ito sa mga mapanirang post tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaan na noong Pebrero, nag-file ng cyber libel complaint ang NBI laban sa dating broadcaster at sa vlogger na si Jeffrey Luces Celiz or “Ka Eric Celiz,” dahil umano sa pagpapakalat ng pekeng medical records ni President Marcos.











