LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nangyaring pagbangga ng Dali cargo ship sa Baltimore bridge sa Maryland, USA.

Ayon kay Bombo International Correspondent Cherry Lepley na preschool teacher sa Baltimore, lumalabas sa paunang mga impormasyon na ang naturang cargo vessel ay una ng nasangkot sa Belgium crash noong 2016.

Inaalam umano ngayong kung parehong mga crew ang nago-operate sa nasabing barko.

Kwento nito na bago pa man ang pag-bangga sa tulay ay namataan na ang usok mula sa barko at nakaranas rin ng pagkawala ng power supply sa cargo ship.

Matatandaan kasi na nagdulot ng matinding abala sa buhos ng trapiko ang aksidente kung saan nabatid na aabot ng halos isang milyong mga sasakyan ang dumadaan sa tulay kada buwan.

Samantala, sinabi ni Lepley na may ilang mga na-rescue na subalit hindi pa rin mabatid kung ilan ang kabuuang bilang ng nahulog sa ilog ng mangyari ang insidente.

Dagdag pa nito na ang malamig na panahon ang isa sa mga nagiging hamon sa mga rescuers.