Nadagdagan ng 18 panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa Bicol batay sa latest data ng DOH Bicol sa Marso 4, 2021.

Kaya naman, umakyat na sa 4,877 ang total confirmed cases kung saan 453 ang aktibo pa habang 4, 211 na ang gumaling na.

Samantala, naitala ang pagkasawi ng dalawang COVID-positive sa Albay at Sorsogon kaya’t nasa 213 ang death toll.

Mula sa mga sumusunod na lugar ang mga bagong COVID-positive:

ALBAY: 4 (22.22%)
2 – Daraga
1 – Legazpi City
1 – Pioduran

CAM SUR: 2 (11.11%)
2 – Pili

CATANDUANES: 5 (27.78%)
3 – Virac
1 – Bato
1 – Caramoran

MASBATE: 3 (16.67%)
3 – Cawayan

SORSOGON: 4 (22.22%)
1 – Sorsogon City
1 – Barcelona
1 – Irosin
1 – Matnog