LEGAZPI CITY—Matagumpay na nailigtas ng mga otoridad ang isang babaeng muntik nang malunod habang naliligo sa baybayin ng Barangay Arimbay, Legazpi City nitong araw ng Linggo, Abril 5.
Ayon kay Legazpi City Police Station Officer-in-Charge Police Lieutenant Colonel Arthur Tagtag, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kinilala ang biktima na isang 21-taong gulang at residente ng naturang barangay.
Nakita aniya ng kanilang mga tauhan ang insidente kung saan agad nila itong binigyang asistensya gayundin ng mga tauhan ng coast guard na nakabantay sa nasabing baybayin.
Base sa imbestigasyon, kasama nito ang saiyang kapatid noong maliligo sa dagat ngunit nakaranas aniya ito ng pulikat sa paa na nagresulta sa nasabing insidente.
Ayon sa opisyal na agad naman na dinala sa ospital ang biktima at sa kasalukuyan ay nasa stable na itong kondisyon.











