Sa kabila ng pagtuloy na pagkondena ng ilang mga bansa sa agresibong mga hakbang ng China ay nakapagtala na naman ng panibagong insidente ng harassment sa mga barko ng Pilipinas.

Ngayong hapon lamang ay ibinahagi ng Philippine Coast Guard ang video ng ginawang pagbangga ng Chinese vessels sa BRP Teresa Magbanua sa Escoda o Sabina Shoal.

Marami rin umanong mga barko ng China ang patuloy na umaaligid sa naturang teritoryo.

Sinabi ni PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na simula ng mapansin ng Chinese maritime forces ang pagkilos ng barko ng Philippines Coast Guard ay mas marami ng mga barko ng Beijing ang dumating sa lugar.