LEGAZPI CITY- Nakatakdang bumiyahe ngayong araw pabalik ng Pilipinas ang “chess-prodigy” na si Bince Rafael Operiano.
Ito’y matapos na maiuwi ng walong-taong gulang na si Bince ang gintong medalya mula Boys Under 9 category sa Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand.
Dinaig ni Bince ang mahigit sa dalawampu nitong kalaban mula sa iba’t-ibang bansa dito sa East at Southest Asia.
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kababayan nya at tinawag si Bince na “Albayano at Pinoy pride”.
Ayon sa ina ni Bince na si Rosemary Operiano, ngayon araw ang flight nito mula sa Bangkok, Thailand, pabalik sa Manila.
Sa ngayon, excited rin na nag-aantay ang kanyang mga kapamilya sa Oas, Albay sa pagdating ng kanilang batang kampyon.