Pumalo na sa 16 ang mga binawian ng buhay sa nangyaring sunog sa isang shopping center sa China.
Matatandaan na sumiklab ang sunog sa 14 na palapag na gusali sa Zigong, Sichuan province, na nabalot ng maitim na usok.
Nasa 30 katao naman ang nailigtas mula sa gusali.
Nabatid na nagsimula ang apoy sa unang palapag ng gusali kung saan naroon ang department store, restaurant at sinehan.
Sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy.