LEGAZPI CITY- Patuloy na namo-monitor ang pamamaga sa paligid ng bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Dahil dito ay patuloy na ipinapaalala ang pag-iingat ng mga residente sa pagpasok sa 4km radius permanent danger zone.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nakapagtala rin ang Bulusan volcano ng pitong volcanic earthquakes sa buong magdamag.

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 1 sa Bulkang Bulusan.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang Phivolcs na hindi inaalis ang posibilidad ng pagkakaroon ng phreatic o steam driven eruption.