LEGAZPI CITY – Inabot ng halos limang oras ang buhol ng trapiko sa brgy. Padang, sa lungsod ng Legazpi.


Ito’y matapos na masiraan ang isang tenwheeler truck sakto sa mismong tulay ng lugar na under construction.

Ayon kay Bembenuto sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagresulta ang insidente sa pagkakabuhol ng trapiko mula alas-4:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.


Aniya, katunayan ay humingi na umano sila ng tulong sa awtoridad upang maisaayos na ang mahabang pila ng mga sasakayn.


Aminado si Bembenuto na hindi maiiwasan na uminit ang ulo ng mga driver lalo na ang mga pauwi sa kanilang bahay o ang may mga pupuntahang importante.


Dagil dito, inabisuhan ng opisyal ang mga motorista na bago umalis sa kanilang bahay lalo na kung rush hour, siguraduhing maayos ang kalagayan ng sasakyan at ugaliin ang maingat na pagmamaneho.