Ibinahagi ng Korean group na BTS sa kanilang X (Twitter) account ang muling pagsasama-sama ng mga miyembro nito.

Ito ay kasunod ng opisyal na pagkaka-discharge ni Jin sa South Korean military, matapos ang 18 buwan.

Si Jin ang unang miyembro ng grupo na na-elist noong December 2022 at una ring na-discharge.

Matatandaan na kasalukuyang nasa hiatus ang grupo dahil sa enlistment ng mga miyembro nito.

Samantala, nakatakdang muling mabuo ang BTS members sa 2025.