LEGAZPI CITY- Dumating na sa lungsod ng Legazpi ang BRP Teresa Magbanua.

Lulan ng naturang barko ng Philippine Coast Guard ang nasa 11,000 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development Cebu upang ipamahagi sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sa kasalukuyan ay ina-unload na ang naturang mga food packs.

Samantala, papanunahan naman ng DSWD Bicol ang pamamahagi ng naturang mga ayuda.