LEGAZPI CITY- Panibagong paghihigpit ng sinturon ang gagawin ng mga motorista dahil sa panibagong big-time oil price hike na posibleng ipatupad sa susunod na linggo.

Ito matapos ang serye ng mga oil price rollback sa nakalipas na mga linggo.

Ayon sa ilang energy sources na posibleng nasa 60 sentimos hanggang 85 sentimos ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon rin ng price increase na P1.45 hanggang P1.70 sa diesel habang P1.85 hanggang P1.90 ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Karaniwang ipinapatupad ang kaparehong price adjustment tuwing araw ng Martes.