cow gallstones

Itinuturing ngayon bilang pinakamahal na commodities sa mundo ang bato sa apdo ng baka o cow gallstones.

Alam ba ninyo na mas mahal pa ito kaysa sa ginto?

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng demand mula sa mainland China at Hong Kong dahil ginagamit ang bato sa apdo ng baka traditional Chinese medicine.

Sinasabi kasi na gamot ito sa ilang malalang mga sakit tulad ng stroke, hypertension, at iba pang cardiovascular diseases.

Ayon sa ilang sources, ang presyo nito ay pumapalo sa $5,800 kada ounce o katumbas ng mahigit P324,000 noong 2025.

Dahil na rin sa kakulangan ng suplay ay tumataas ang presyo ng cow gallstones, na dahilan ng pag-usbong ng bentahan sa black market kung saan nagin talaman ang smuggling sa ilang mga bansa.