
Dalawang kasambahay ang inaresto matapos malunod ang kanilang binabantayan na apat na taong gulang na lalaki sa isang swimming pool sa Talisay City, Cebu.
Ayon sa imbestigasyon, nakatulog ang dalawa at hindi napansin ang bata na lumabas ng kanilang bahay at naglaro sa swimming pool hanggang sa ito ay mahulog at malunod.
Ang dalawa ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.










