
Isang social media influencer sa Japan ang inaresto dahil sa paggawa at pagbebenta ng librong nagtuturo kung paano kumita ng pera sa mga sugar daddy at “dirty old men”!
Ang babae ay si Mai Watanabe, 25, at residente ng Naka-ku, Nagoya, Japan.
Ang libro ay pinamagatang “Textbook for Sugar Babies: The Right Profile” at “Magical Words to Make Men Pay”.
Ang mga aklat na ito ay nagsisilbing manwal para sa mga babaeng gustong kumita sa pamamagitan ng pagiging “sugar daddy”
Ayon sa mga nakabasa ng libro, ang mga tagubilin ay detalyado.
Tinuturuan ka nito kung paano maghanap ng sugar daddy, kung paano sila lapitan at akitin at kung paano sila maakit ng maayos.
Sa isang panayam sa Naka Police Department, si Watanabe ay naiulat na nagsimulang magbenta ng mga libro sa kanyang mga tagasunod sa social media noong 2022.
Ang mga libro ay mula 10,000 Yen o P3,700 hanggang 20,000 Yen o P7,400.
Nag-aalok din si Watanabe ng face to face private lessons para sa mga gustong makita mismo kung paano kumita ng pera sa isang sugar daddy.
Bago siya arestuhin, nakapagbenta siya ng mahigit 2,000 kopya ng mga aklat.
Dahil sa imbestigasyon, napag-alaman na beterano sa money laundering si Watanabe dahil may mga ulat na nakatanggap siya ng mahigit 150-million-yen mula sa iba’t ibang lalaki.