Legazpi City- Muling binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa aplikasyon ng mga sasakyan na sasailalim sa consolidation system na parte ng PUV mo-dernization program ng gobyerno.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, binuksan muli noong Oktubre 15 at muling tatanggap ng mga aplikasyon para sa consolidation bilang tugon sa panawagan ng Senado para mabigyan ng pagkakataon na mga hindi nakahabol sa consolidation.
Sa ilalim ng consolidation, mawawala na ang franchise ng mga pampasaherong.
Nilinaw man din ni Guadiz na dapat na samantalahin na ng mga drivers at operators hanggang Nobyembre 29 na ito.
Dagdag pa ni Guadiz na ang mga newly-consolidated drivers at operators ay awtomatikong nakakatanggap sila ng P10,000 fuel subsidy.
Nilinaw pa ni Guadiz na ang mga bagong magpapa-consolidate ay dapat makisabay sa mga existing cooperatives at hindi na posibleng magbuo ng bagong kooperatiba.