Mayon volcano
Mayon volcano

Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alerto ng bulkang Mayon mula sa Alert Level 3 o magmatic unrest / increased tendency towards hazardous eruption patungo sa alert level 2 o moderate level of unrest.

Ito matapos ang naitalang pagbaba ng mga parametrong binabantayan sa naturang bulkan.

Ayon sa PHIVOLCS, na-obserbahan ang pagbaba ng mga parametro nito simula noong Hulyo 23, 2026 batay sa kanilang monitoring network.

Sa abiso ng tanggapan, nabatid na bumaba na ang mga naitalang strombolian activities, lava effusion at lava collapse-fed rockfall at pyroclastic density currents o uson.

Sa kabila nito, ipinunto ng PHIVOLCS na nananatiling mataas ang sulfur dioxide emmission ng bulkan.

Kasabay nito ay inabisuhan pa rin ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 6 kilometer-radius Permanent Danger Zone.