PDEA Bicol
PDEA Bicol

LEGAZPI CITY- Kasabay ng isinagawang ika-24 na anibersaryo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay binigyan ng pagkilala ang PDEA Albay bilang Best Provincial Office.

Maliban dito ay kinilala rin si PDEA Albay Provincial Officer Noe Briguel bilang Best Provincial Officer ng naturang tanggapan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa opisyal, sinabi nito na bunga ito ng maraming mga drug personalities na naaresto at maraming halaga ng iligal na droga na kanilang nasamsam noong taong 2025.

Aniya, hindi lamang ito patungkol sa operational accomplishmento kundi maging sa demand reduction at intervention program ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Albay.

Kaugnay nito ay nagpasalamat si Briguel sa mga patuloy na tumutulong sa kanilang pagsugpo sa iligal na droga, tulad ng mga confidential informants at mga assets.

Dahil dito ay nagiging matagumpay umano ang kanilang anti-illegal drugs campaign sa kabila ng mga kakulangan sa pinansyal na aspeto.