LEGAZPI CITY- Inihayag ng isang political analyst na hindi niya nakikita ang pangangailangan sa ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ni Prof. Froi Calilung sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi bago pa lamang si Matibag sa kaniyang posisyon.
Matatandaan na nangyari ang live stream ng umano’y ‘grave threat’ ng pangalawang pangulo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pa, noong Nobyembre 2024.
Aniya, kung may dapat man na ipatawag bilang testigo ay dapat na ang dating NBI Director na naka upo sa ahensya nang mangyari ang sinasabing pagbabanta.
Samantala, matatandaan na pinayagan na ilipat ang pagtestigo ni Matibag sa Hulyo 20 dahil sa umanoy mga commitment nito.











