NBI RD Jeremy Lotoc

LEGAZPI CITY- Tila nakulangan ang isang political analyst sa pagbuo ng malakas na kaso sa umano’y grave threat ni Vice President Sara Duterte, kasunod ng pag presenta ng ikalawang testigo ng prosekusyon sa impeachment trial ng pangalawang pangulo.

Matatandaan na humarap kahapon sa ika-apat na araw ng impeachment trial si National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Jeremy Lotoc.

Ayon kay Prof. Froi Calilung sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang ilang mahahalagang dokumento ay tila ‘problematic’ matapos kwestyunin ng depensa ang hindi magkakatugmang petsa sa ilang affidavit.

Dagdag pa nito na kung talagang nagsagawa ng malalimang imbestigasyon sa umanoy pagbabanta ni Vice President Sara ay dapat na alam ang bawat detalye ng kaso, sino man ang magtanong o anong pamamaraan man ng pagtatanong ang gawin.

Sa kasalukuyan aniya, ang pinakamalakas na ebidensya sa kasong ‘grave threat’ ay ang pagpresenta sa sinasabing kinontrata ng bise presidente upang i-assassinate ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Paliwanag ni Prof. Calilung na ang naturang indibidwal lamang ang makakapagpatunay kung may ‘intent of assassination’ o ‘sudden burst of emotion’ lamang ang ginawa ni VP Sara.