Norway stuns Brazil, 2-1

Ginulat ng Norway ang Brazil matapos maitala ang 2-1 na panalo laban sa five-time champions na Brazil.

Dahil dito ay pasok na sa Round of 16 ang Norway.

Itinuturing ito na isa sa pinakamalaking upset sa FIFA World Cup 2026.

Ito matapos maipasok ni Erling Haaland ang dalawang goal sa 79th at 90th minute ng laro.

Dahil dito ay nakalinya na si Haaland sa mga posibleng makapag-uwi ng Golden Boot, kasama sina Lionel Messi ng Argentina at Kylian Mbappe ng France, na pawang mayroong tig-7 goals sa kasalukuyang World Cup.

Ang Golden Boot ay iginagawad sa player na mayroong pinakamaraming goals sa World Cup tournament.