LEGAZPI CITY—Muling niyanig ng 3.9 magnitude na lindol ang lalawigan ng Albay bandang alas-2:51 ng umaga, Linggo, Hunyo 7.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, may lalim itong 8 kilometro at naitala ang lokasyon sa silangan ng bayan ng Santo Domingo, Albay.
Ito ay aftershock sa nangyaring magnitude 5.3 na lindol noong Hunyo 5 sa kaparehong lugar.
Naitala rin ang instrumental intensities kung saan Intensity III sa Legazpi City, Albay.
Intensity II sa Tabaco City, Albay at Castilla, Sorsogon.
Ayon sa ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Gayundin na walang inaasahan na pinsala at aftershocks.











