Pinasinungalingan ng isang Iranian military official na inatake nila ang UAE o ang Fujairah port.
Itinuro rin nito ang US military na responsable umano sa naturang pag-atake.
Matatandaan na sumiklab ang malaking sunog sa pangunahing oil industry zone sa UAE matapos umano ang drone attack ng Iran.
Una na ring inihayag ng UAE defense ministry na naharang ang tatlong Iranian missiles sa katubigan ng naturang teritoryo.
Sa kasalukuyan ay wala pang kasagutan ang Estados Unidos sa akusasyon ng Iran.











