Nagpalabas ng panahay si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pag-apruba ng Office of the President sa hiniling nitong travel authority sa limang mga bansa.
Subalit sinabi ng pangalawang pangulo na nagkaroon ng mga pagbabago sa kaniyang biyahe.
Dahil dito ay nakatakda umano siyang humiling ng bagong travel authority mula sa tanggapan ng pangulo.
Matatandaan na ipinalabas ng Office of the President ang pasya na payagan si VP Sara sa hiling nitong biyahe, isang araw bago ang kaniyang travel plan ngayong Abril 23 hanggang Mayo 15.
Nakatakda sana itong magtungo sa limang mga bansa, sa gitna ng kinakaharap nitong impeachment.









